Ano ba talaga ang ibig sabihin ng kalayaan? Malaya ba tayong gawin ang lahat ng gusto natin? Mahalaga ba ang kalayaan sa ating buhay? Bakit mahalaga ang kalayaan sa isang bansa?
Ang ibig sabihin ng kalayaan ay malaya tayong gawin kung ano ang gusto natin, malaya tayong mag desisyon sa buhay natin na hindi tayo pinakikialaman ng tao. Mahalaga ang kalayaaan sa bawat mamamayan ng isang bansa. Nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalayaan. Lahat ng tao ay may kalayaan , bata man o matanda. Tayong mga tao malaya tayong gawin lahat kung ano ang gusto nating gawin ngunit ito ay may limitasyon. Malaya tayong mag-isip, matulog,tumulong,mag-aral at iba pa. pero maraming mga tao ngayon na inaabuso na ang kanilang kalayaan gumagawa na sila ng masasamang bagay kagaya nalang ng pumatay ng tao, mang rape, kumuha ng bagay na hindi sa kanila at iba pa. Binigyan tayo ng panginoon ng kalayaan pero bakit hindi pa kuntento ang mga tao kaya nga makagawa sila ng kasalanan. Mahalaga ang kalayaan sa isang bansa dahil malayang namumuhay at nagtratrabaho ang mga tao sa isang bansa, hindi inaapi at indi minamalupit.,masasabing mahalaga ang kalayaan dahil sa dinanas ng mga pilipino sa mga hapones,.kaya naman mahalaga din ito sa bawat bansa dahil sa malaya silang makihalubilo sa mga tao,.at malaya silang mag protesta sa mga maling gawain ng mga nasa gubyerno.
No comments:
Post a Comment